Katotohanan, ang pinaka-lubhang mapanganib at pinakamadalas maganap sa mga nakakasira sa pagka-muslim ay natutuon sa sampung bagay:
1-Ang pagtatakda ng katambal sa pagsamba sa Allah.
( Tunay na hindi patatawarin ng Allah, na Siya ay tambalan, ngunit Kanyang patatawarin ang anumang (kasalanang) iba pa roon sa kaninumang loobin Niya).An-Nisaa’: 116
(Tunay na ang sinumang nagtatambal sa Allah ay ipinagkait na ng Allah sa kanya ang Paraiso at ang magiging tuluyan niya ay ang Apoy (Impiyerno). at hindi magkakaroon ang Zalimun (mga gumagawa ng labag sa Katarungan, nagtatakda ng katambal sa Allah, mga salarin) ng anumang tagatulong). Al-Maa-idah: 72
At bahagi din ng Shirk ang paghiling sa mga patay, paghingi ng tulong sa kanila, pamamanata sa kanila, at pag-aalay ng hayop para sa kanila.
2-Ang sinumang gumawa ng mga tagapamagitan, na silang mamagitan sa kanya at sa Allah, at kanyang hihilingan ang mga ito, at kanyang inaasam-asam na sa kanila ay mamamagitan. at sa kanila siya ay nakikipagsapalaran.
Katunayan, siya ay isang Kafir na (Hindi sumasampalataya) ito’y pinag-kaisahan ng mga Pantas ng mga Muslim.
3-Ang sinumang hindi pinatutunayan ang pagka-Kuffar ng mga Mushrik, o nag-aalinlangan sa pagka-Kuffar nila, o pinatutunayan ang kanilang mga Doktrina, -ay nagiging Kafir na.
4-Ang sinumang naniniwala na ang patnubay ng iba ay higit na ganap kaysa patnubay ng Sugo(- صلى الله عليه وسلم -), o ang hatol ng iba pa sa kanya ay higit na magaling kaysa hatol niya (- صلى الله عليه وسلم -), katulad ng mga yaong mas higit na naiibigan ang hatol ng mga Thaagoot (mga naghahari-harian, mga Pinunong lumalabag sa batas ng Allah atbp.) kaysa hatol niya (- صلى الله عليه وسلم -).- siya ay nagiging Kafir na.
5-Ang sinumang nasuklam sa anuman sa mga naihatid ng Sugo (- صلى الله عليه وسلم -), kahit pa ito’y kanyang ginagampanan, ay naging Kafir na.
(Iyon ay dahil sa tunay na kanilang kinamuhian ang anumang ibinaba ng Allah, kaya pinawalan Niya ng saysay ang kanilang mga gawa). Muhammad:9
6-Ang sinumang nangutya sa anumang bagay sa Relihiyon ng Sugo (- صلى الله عليه وسلم -), o sa pagkakaloob niya ng gantimpala, o sa pagpataw niya ng kaparusahan, - ay naging Kafir na.
Ang patunay nito,ang Allah ay nagsabi sa Quran:
(Sabihin (O Muhammad - صلى الله عليه وسلم -) Sa Allah, sa Kanyang Ayat (mga patunay, tanda at kapahayagan) at sa Kanyang Sugo ba kayo nangungutya. Huwag na kayo mangatuwiran, sa katunayan, kayo ngayon ay di na sumasampalataya, pagkatapos ng inyong pananampalataya).Attawbah:
7-Ang karunongang itim (salamangka): kabilang na rito ang panggagaway at panggagayuma.
At ang sinumang magsagawa nito, o malugod dito,- siya ay naging Kafir na.
Ang patunay nito, ang Allah ay nagsabi sa Quran:
(Ngunit hindi nagtuturo ang dalawang [Anghel (Haaroot-Maaroot) na] ito sa sinuman hangga’t hindi nila nasasabi; “Tanging kami ay isang pagsubok lamang, kaya huwag kayo tumalikod sa Pananampalataya”).Baqarah:
8-Ang pagpanig sa mga Mushrik (nagtatakda ng katambal sa Allah) at ang pagtuong sa kanila laban sa mga Muslim.
Ang patunay nito, ang Allah ay nagsabi sa Quran:
(At sinuman sa inyo ang magtalaga sa kanila bilang Auliya’ (katulong, tagapangasiwa atbp.), tunay na siya ay mapabibilang sa kanila. Katotohanan, ang Allah ay hindi nagpapatnubay sa mga taong lumalabag sa Katarungan). Al-Maa-idah: 51
9-Ang sinumang maniwala na may mga piling tao, na maaaring lumabas sa batas ni Muhammad(- صلى الله عليه وسلم -), ay naging Kafir na..
Ang Allah ay nagsabi sa Quran:
(At ang sinumang maghangad ng iba pa sa Islam bilang Relihiyon. kailanman, hindi iyon matatanggap sa kanya. at siya sa Kabilang-buhay ay mapabibilang sa mga talunan). Al-imraan:85
10-Ang pagtanggi sa relihiyon ng Allah, hindi niya ito pinag-aaralan, ni hindi niya ito isinasagawa.
Ang patunay nito, ang Allah ay nagsabi sa Quran:(At sino pa ang higit na lumalabag sa Katarungan kaysa kanya na pinaalalahanan tungkol sa Ayat (mga patunay, tanda, kapahayagan atbp.) ng kanyang Panginoon, at pagkatapos ay tinanggihan pa niya ang mga ito. Tunay na Kami ang maghihiganti sa Mujrimun (mga kriminal, hindi naniniwala, gumagawa ng masama atbp. ).Assajadah:22
Ang lahat ng nakakasirang ito, ay walang pagka-iba maging sa taong nagbibiro, seryoso, at natatakot, maliban sa taong pinilit.
Batay sa sinabi ng Allah:
{Maliban sa sinumang pinilit, subalit ang kanyang puso ay panatag sa Pananampalataya}. An-Nahl : 106
Ang lahat ng ito ay lubhang mapanganib at madalas mangyari. kaya dapat lang sa taong Muslim na kanyang pangilagan ang mga ito, at katakutan sa kanyang sarili.
Magpapakupkup tayo sa Allah laban sa mga bagay na siyang ipagkakaroon ng Kanyang galit at laban sa kirot ng kanyang kaparusahan.
No comments:
Post a Comment