Pages

Saturday, December 12, 2015

Ang Kalagayan ng Babae Sa Islam


Bago natin pag-usapan ang mga karapatan ng babae
sang-ayon sa itinuturo ng Islam, kailangang linawin
muna natin ang ilan sa mga pananaw sa mga babae ng
mga bansa noon at kung papaano nila ito tinatrato. Ang
mga babae sa mga Griyego noon ay naipagbibili at
nabibili at wala itong anumang karapatan sa halip, ang
lahat ng karapatan ay nasa lalaki lamang. Pinagkaitan
din siya ng karapatang magmana o magpatakbo ng
sariling ari-arian. Ang sabi pa nga ng kanilang mga
bantog na pilosopo na si Socrates: " Ang pagkakaroon
ng babae ang siyang pinakamalaking dahilan at
pinagmumulan ng pagkasira ng mundo. Ang babae ay
katulad ng nakalalasong punong-kahoy na ang
panlabas na anyo ay maganda subalit sa sandaling ang
bunga nito ay kainin ng mga ibon, agad mamamatay
ang mga ito."
Ang mga Romano naman ay naniniwalang walang
kaluluwa ang isang babae. Walang anumang halaga sa
kanila ang babae at wala ring mga karapatan. At
kanilang kasabihan noon ay: "walang kaluluwa ang
babae." Kaya sanhi nito ay pinarurusahan ang mga
babae sa pamamagitan ng pagbuhos ng kumukulong
langis sa kanilang mga katawan at sa pamamagitan ng
paggapos sa kanila sa mga poste. Hindi lamang iyon
pati ang mga inosenteng mga babae ay itinali nila sa
buntot ng mga kabayo at pinatatakbo ang mga ito nang
ubod ng bilis hanggang sa mamatay ang mga babae.
Ganoon din ang pananaw ng mga taga-India. At
karagdagan pa roon, sinusunog nila ang babae kasama
ng kanyang asawa kapag ang kanyang asawa ay
namatay.

Itinutulad noon ng mga Chino ang babae sa isang tubig
na tumatangay sa kaligayahan at yaman. Ang isang
lalaking Chino noon ay may karapatang ipagbili ang
kanyang maybahay at may karapatan din siyang ilibing
ito ng buhay.
Itinuturing naman ng mga Judio ang babae na isang
sumpa dahil siya ang tumukso at nag-udyok kay Adan
na kainin ang ipinagbabawal na bunga. Itinuturing din
nilang ang babae ay marumi kapag ito'y nireregla at
ang bahay ay nagiging marumi at ang lahat ng
mahawakan nito. Hindi rin siya nakapagmamana ng
kahit ano buhat sa kanyang ama kapag siya ay may
mga kapatid na lalaki.
Ang tingin naman ng mga Kristiyano sa babae ay siya
ang pinto ng Demonyo. May isa pang Kristiyanong
may mataas na katungkulan sa simbahan ang
nagsabing ang babae ay walang kaugnayan sa lahi ngtao.
Ang sabi naman ni San Buenaventura: "Kapag
kayo ay nakakita ng isang babae, huwag ninyong isipin
na kayo ay nakakita ng tao o ng isang hayop – ang
inyong nakita ay si Satanas mismo at ang kanyang
boses na inyong naririnig ay ang huni ng ahas."
Ang mga kababaihang Ingles, alinsunod sa
pangkalahatang batas ng mga Ingles hanggang sa
kalagitnaan ng nagdaang-siglo ( ikalabinsiyam na
siglo), ay nanatiling hindi ibinibilang na mga
mamamayan. Wala silang mga karapatang personal at
walang karapatang magmay-ari ng anumang bagay pati
na ang mga damit na kanilang isinusuot. Noong 1567
ay gumawa ng batas ang Parliamento ng Scotland na
nagbabawal na pagkalooban ng awtoridad sa anumang
bagay ang isang babae.
Ang parliamento naman ng Iglatera noong panahon ni
Haring Henry II ay nagbawal sa babae na magbasa ng
Bibliya dahil diumano siya ay marumi. Noong 586 ay
nagdaos ang mga Pranses ng isang Kumperensiya
upang talakayin kung ang babae ba ay tao o hindi tao.
Kinilala nilang ang babae ay tao ngunit siya ay nilikha
para paglingkuran ang lalaki. Pinahihintulutan noon sa
batas ng mga Ingles hanggang sa taong 1805 na
ipagbili ng lalaki ang kanyang maybahay. At itinakda
pa ang halaga ng maybahay sa anim na sterling pence.
Sa mga Arabe naman bago dumating ang Islam ang
babae ay isang hamak, hindi nagmamana, hindi
pinahahalagahan, at walang anumang karapatan.
Maraming mga arabe noong bago dumating ang Islam
ang naglilibing nang buhay sa kanilang mga anak na
babae.
Nang dumating ang Islam, inalis nito ang kawalang
katarungang ito at nilinaw na ang babae at lalaki ay
pantay kaya ang babae ay may karapatan din kung
papaanong may karapatan ang isang lalaki. Ang sabi
ng Allah: " O Sangkatauhan, nilalang Namin kayo
buhat sa isang lalaki at isang babae at ginawa Namin
kayong mga bansa at mga lipi upang kayo ay
magkilalanan (sa isa't-isa). Tunay na ang
pinakamarangal sa inyo para kay Allah ay siya na
may pinakamalaking pagkatakot sa Kanya. Si Allah
ay nakaaalam at nakababatid sa lahat ng bagay." (49:
13)

Ang sabi pa Niya: " Ang sinumang gumawa ng
kabutihan - maging lalaki man o babae – at
sumasampalataya, ang mga iyon ang magsisipasok sa
Paraiso at wala ni katiting na kawalang-katarungan
ang gagawin sa kanila." (4:124)
“At (inatasan Namin ang tao) na maging mabuti sa
kanyang magulang….." (17: 23)

Ang sabi naman ng Propeta (SAS): “Ang may
pinakaganap na pananampalataya sa mga
mananampalataya ay ang may pinakamgandang
asal sa kanila at ang pinakamabuti sa inyo ay ang
pinamabuti sa kanilang mga maybahay."
Nasasaad din sa Hadith na tinanong ng isang lalaki ang
Propeta (SAS): "Sino po sa mga tao ang higit na
may karapatan sa aking mabuting pakikitungo?"
tanong ng lalaki. 'Ang iyong ina.' ‘Sino pa po?'
'Ang iyong ina.' ‘Sino pa po?' 'Ang iyong ina.' ‘Sino
pa po?' 'Ang iyong ama.' Sagot ng Propeta (SAS)."
Ito sa maikling salita, ang pananaw ng Islam sa babae.

KAYA MGA KAPATID NA MGA KABABAIHAN BIGYAN NINYO NG PAGPAPAHALAGA ANG BINIGAY NG ISLAM SAINYO NA HALAGA AT KARANGALAN AT DANGAL.



No comments:

Post a Comment

Share