Pages

Thursday, December 17, 2015

==PAGTUTURO SA PAMILYA LALO SA ASAWA==


Bismillaahi walhamdulillaah was salaatu was salaamu ‘alaa rasuwlillaah

Mayroong dalawang Umm Darda – isang matanda at isang mas bata. Ang nakababata sa kanilang dalawa ay isang iskolar, at ang nakatatanda ay mayroon rin kaalaman. Ang nakababata ay isang iskolar at Faqihah (babaeng dalubhasa sa mga hukom) kaawaan at kalugdan nawa siya ng Allaah. [Ngunit] Paano siya naging dalubhasa sa hukom [Faqihah]? Gusto naming malaman ang dahilan sa likod nito. [Alam namin na] Siya ay isang Faqihah, at asawa ng isang iskolar, isang faqih na nagsasagawa ng kanyang kaalaman. Siya ay isang Faqihah, ngunit paano siya naging isang Faqihah? Siya ba ay lumalabas para maghanap ng kaalaman dito at doon? [Kung gayon] nasaan ang karapatan ng kanyang asawa?! Ang dahilan ba sa likod nito ay may kinalaman sa pag-aalaga ng isang iskolar [Abu Darda] sa kanyang pamilya. Napapansin namin sa larangan ng mga kalakihan karamihan sa kanila hindi sila nakikipag-usap tungkol sa kaalaman pagdating sa kanilang mga pamilya .

Makikita mo na ang mga tao [sa labas ng kanyang pamamahay] ay nakikinabang sa kanyang kaalaman, at siya ay nagtataglay ng maraming kaalaman at kabutihan. Subalit, kapag siya ay nakikipag-ugnayan sa kanyang pamilya, siya [lamang] ay nakikipag-ugnayan sa kanila batay sa mga gawain sa loob ng pamamahay, [tulad ng], pagkain, inumin, mga pangangailangan ng lalaki at iba pang mga bagay kabilang na dito ang paglabas at pagpasok ng [pamamahay]. Hindi ito pinahihintulutan. Ang natatanging mga tao na dapat mong turuan at [subukang] protektahan mula sa impyerno ay ang iyong pamilya, dahil kung hindi, wala kang ibang sisisihin [sa negatibong kahihinatnan] kundi ang iyong sarili.

Ang asawa ni Abu Darda ay dalubhasa sa Fiqh, at yan ay dahil sa pagtuturo niya sa kanya [kung paano] niya mauunawaan ang relihiyon. Samakatuwid, kapag kayo ay nakipag-usap sa inyong mga asawa [at pamilya], makipag-usap ka sa kanila tungkol sa kaalaman, kausapin mo sila hinggil sa mga may kapakinabangan at mga buhay ng mga sahaba. Kausapin mo sila tungkol sa mga narinig mo mula sa mga tao ng kaalaman [mga iskolars]; sapakat katotohanan ito ay paghahatid at pagpapalaganap ng kaalaman sa kanila. Maaring maging mabigat ito sa mga kababaihan at miyembro ng iyong pamilya sa unang pagkakataon, pangalawang pagkakataon o [kahit] sa ikasampung pagkakataon.

Gayunpaman, kapag nasanay na sila dito, lalambot rin ang kanilang mga puso. Katulad din kung paano mo naantig ang iba [pagkatapos ipaliwanag] ito ng unang pagkakataon, ikalawang pagkakataon, o [kahit] pa sa ika-sampung pagkakataon, gayun din sikapin mong magdala ng kabutihan sa iyong [sariling] pamamahay sa pamamagitan ng pagsasalita ng isang beses, dalawang beses, o [kahit] sa sampung beses pa. At para naman sa isang papunta at pabalik lamang at ang [kanyang] inaalala ay ang [paghahanda para sa kanya] ng pagkain, inumin at upang matupad ang kanyang [pisikal] pangangailangan, samakatuwid hindi ito naangkop o karapat-dapat, dahil pananagutan ng isang tao ang kanyang pamilya. [Tulad ng sinabi ng Propheta] : “Bawa’t isa sa inyo ay pastol (tagapangalaga) at bawa’t isa sa inyo ay may pananagutan sa mga ipinagkatiwala sa kanya.”


No comments:

Post a Comment

Share