Ang lahat ng papuri pasasalamat pagsamba ay nauukol lamang sa Allah.Ang tanging Panginoon sa araw ng paghuhukom. Ang sinumang kanyang gagabayan ay walang sinumang bulaang makakaakay sa kanya at kung sino namang ang hindi tatanaw ng tuwid na landas ay hahayaang niyang mapahamak sa kabilang buhay.
Si Propeta Muhammad(sakap) ay nagsabi”Ang bawa’t tao ay isinilang na Muslim, subali’t ang kanyang mga magulang ay ginawasiyang isang Hudyo,isang Kristiano, o isang Madyan ( pagano)” (Bukhari at Muslim)
Ang Allah (swt)ay nagpahayag sa banal na Qur’an.
At (gunitain)ng ang inyong Panginoon ay nagpalabas ng mula sa himaymay ni Adam ng kanyang anak at kaanak –anakan, at ginawa sila na sumaksi sa kanilang sarili (na[ang Allah]ay nagsabi sa kanila);Hindi baga Ako ang inyong Panginoon?”Sila ay nagsabi Oo! kami sumasaksi (marahil)baka kayo ay magsabi sa Araw ng Muling pagkabuhy “katotohanan kami ay hindi nakakaalam nito.” (Qur’an 7:172)
Kaya naman pala ang lahat ng Kristiano o anomang pananampalataya na yumayakap sa Islam ay tinatawag na balik Islam.Dahil ang sangkataohan ay hindi pa lumitaw sa Mundo ay pinasumpa ng Allah na siya lamang ang Panginoon.
At hindi Ko linikha ang Jinn at ang mga Tao maliban na tanging sambahin lamang Ako (Qur’an 51 :56)
Nang isilang na ang tao ay pinasundan kaagad niya ng kanyang paala-ala na mga Banal na aklat at mga Banal na Propeta.
..(Ito ang ) relihiyon ng inyong amang si Abraham (ang Islam).Siya (Allah)ang nagbigay sa inyo ng katawagan
(Muslim), na magkatulad maging noon at ngayon. . (Qur’an 22:79) Si Abraham ay hindi Hudyo gayundin naman siya ay hindi Kristiano datapua’t siya tunay na Muslim. (Qur’an 3:67
Si Abraham ay kinikilala ng tatlong relihiyon Hudyo Kristiano at Muslim na ama ng Pananampalataya o Ama ng mga Propeta.
At (ang pagtalima at pagsunod na ito kay Allah, ang Islam)ay ipinagtagubilin ni Abraham sa kanyang mga anak na lalake,gayundin (ang sa kanyang mga anak ginawa) ni Hakob(ang pagiging matatag sa Relihiyong Islam, na nagsasabi):”O aking mga anak! Ang Allah ang humirang para inyo ng (tunay) na Pananamapalataya; kaya`t huwag ninyong hayaan na kayo ay pumanaw maliban sa katatayuan ng Muslim (Qur’an 2:132)
Ipahayag (O Muhammad): “Kami ay sumasampalataya sa Allah at sa anumang ipinanaog sa amin,at sa anumang ipinanaog kay Abraham,Ismail,Isaac,Hakob
Ang lahat ng Propeta mag mula pa kay Adam na umabot sa 124,000 na sugo.Sa ibat-ibang bayan. At kung lahat sila ay Muslim ay natural na Muslim na rin ang kanilang mga Disipulo o mga kasamahan.
At nang mapag-alaman ni Hesus ang kanilang kawalan ng pananampalataya, siya ay nagsabi:
“Sino baga ang aking makakatulong sa Kapakanan ng Allah?” Ang disipulo ay nagsabi:”Kami ang mga tagatangkilik (katulong) ng Allah; Kami ay sumasampalataya sa Allah at ikaw (Hesus) ay magbigay-saksi na kami ay mga Muslim. (Qur’an 3:52)
Sa Biblia. Sinugo ni Jesus ang Labingdalawang disipulo sa sambahayan ng Israel. Mateo10:12 Pagpasok ninyo sa bahay, sabihin ninyo “Maghari nawa ang kapayapaan sa bahay na ito!”
Ang Islam ay salitang arabik na ang kahulogan sa wika natin ay kapayapaan. Ang taga Paglikha ay hindi mag bibigay ng magkakasalungat o Kalituan sa kanyang mga sugo.Si Jesus na nasusulat sa BIblia ay pinagbilinan niya ang labindawang disipulo na paghariin ang Islam sa sambahayanan ng Israel. Kaya malinaw na ang lahat sa atin na si Hesus at ang mga Disipulo ay mga Muslim. Ang nagtuturo lang naman ng kasinungalingan ay ang Pare,Pastor at mga Ministro na marami sa kanila ay nag babana- banalan na di rin naman magkakasundo at pag banal na Biblia naman ang pag-uusapan mas lalo lamang tayo mapapalayo.Sa dami ng lumitaw na Version na mag kakasalungatan lalo lamang di mag kakaisa, pero dito tayo sa pagkakaisa.
Hindi mo ba namamasdan na ang lahat na nasa kalangitan at kalupaan, at ang araw, at ang buwan, at ang mga bituin, at kabundukan, ang mga punongkahoy, ang mga hayop, at ang karamihan sa tao ay nagpapatirapa sa Allah? Datapua’t marami sa mga (tao) na ang (ilalapat na) kaparusahan (sa kanila) ay makatwiran. At kung sinuman ang bigyan ng Allah ng kahihiyan, walang makapag bibigay sa kanya ng karangalan. Katotohanan ang Allah ay gumagawa ng anumang Kanyang naisin. (Qur’an 22:18)
Masilip nga kaya natin ang mga Muslim na tauhan ng Biblia kung susunod sa kautusan ng Allah sa
Banal na Qur’an kung totoong Muslim sila?
(Hesus) Mateo26:39 “at siya ay nagpatirapa., Josue(Joshua)Josue5:”14 at si Josue ay nagpatirapa sa lupa at sumamba” Mga Bilang 20:6”At si Moises at Aaron ay umalis sa harap ng kapulungan at nagpasa pintuan ng tabernakulo at nagpatirapa.”
Genesis17:3”At nagpatirapa si Abram at ang Diyos ay nakipag-usap sa kanya”.. 1Mga Hari18:42”at siya (Elias)ay yumukod sa lupa at inilagay ang mukha sa pagitan ng kanyang mga tuhod (nagpatirapa)
Apocalipsis7:11(Revelation
Talagang kinikilala nga naman pala ng mga Propeta at anghel ng Biblia ang Allah sa Banal na Qur’an. Dahil sakto sa pagpapatirapa. Maliban sa mga manga ngaral na bulaan, ang mga Pari,Pastor at Menistro, at ang mga tagasunod nito.Sabagay may kasabihan na “Ang bulag na akay-akay ang kapwa bulag ay walng patutungohan kong di mahuhulog sa hukay”.
Sila (ang mga Hudyo at Kristiyano) ay tumatangkilik sa kanilang mga rabbi(maaalam na tao sa relihiyon) at sa kanilang mga monako (pari) bilang kanilang panginoon maliban pa sa Allah (sa pamamagitan ng pagsunod sa kanilan sa mga bagay na ginawa nila ng pinahihintulotan o hindi pinahihintulotan, ayon sa kanilang pagnanasa na hindi ipinag-utus ng Allah), at sila rin (ay nagtaguri bilang kanilang Panginoon) ang Mesiyas, ang anak ni Maria, samantalang sila (hudyo at Kristayano) ay pinag-utusan(sa Torah[batas] at Ebanghelyo) na tanging sumamba lamang sa Nag-iisang Diyos (Allah),[walang ng iba pang diyos na karapat-dapat pag-ukulan ng pagsamba maliban sa Kanya ])… (Qur’an 9:31)
kaya ang magiging resulta ng mga tampalasan o mga suwail sa kautusan ay kaparusahan ang igagawad.
Katotohanan sila na hindi sumasampalataya (sa reliyon Islam)sa lipon ng Angkan ng Kasulatan (Hudyo at Kristiyano), at mga Pagano (mapagsamba sa mga dioys-diyosan),ay mananahanan sa Apoy ng Impiyerno magpakaylanman. Sila ang pinakamasama sa lahat ng nilalang. (Qur’an 98:6)
Oo nga naman ba’t di pa sundan ang pananampa lataya ng mga propeta sa biblia at dina pasaway.
Sila ang aming pinagkalooban ng Kasulatan (mga Hudyo at Kristiano) ay nakakakilala sa kanya (alalong baga, kay Muhammad bilang isang sugo, dahil nabanggit sa Torah [mga Batas] ang kanyang pagdatal), na kagaya ng pagkilala nila sa kanilang mga anak. Ang mga nagwawasak sa kanilang sarili ay hindi mananampalataya. (Qur’an 6:20)
At kung nagsisampalataya lamang ang Angkan ng Kasulatan (mga Hudyo at Kristiano) sa Allah at sa Kanyang sugo (Muhammad) at umiwas sa kasamaan (kasalanan, sapagtataguri sa Allah ng mga katambal [o anak]),katotohanang Aming buburahin ang kanilang mga kasalanan at sila ay tatanggapin Namin sa Halamanan ng kasiyahan sa (paraiso). . (Qur’an 5:65)
Mga kapatid ang katotohanan ay siya rin ang mangi babaw sa kamalian, At ang mga talata ng Qur’an at Biblia ang magpapatotoo na dito ay walang sariling kurokuro o kumintaryo.
Siya (Allah)ang nagsugo na Kanyang Sugo (Muham mad)ng may Patnubay at Tunay na Relihiyon (Islam), upang gawin Niya itong mangibabaw sa lahat ng mga pananampalataya (relihiyon) kahit na ang Musrikun(mga mapagsamba sa diyos-diyosan, pagano, walang pananalig sa Kaisahan ng Allah, atbp.) ay mamuhi (rito). (Qur’an 9:33)
No comments:
Post a Comment