Pages

Friday, December 11, 2015

BAKIT HARAM ANG PAGLILIGAWAN SA ISLAM?(GF/BF relationship)



1 - Ang magkasintahan ay malimit mag-usap(in private) dahil kung hindi nila ginagawa iyon, marahil walang relasyon ang mabubuo sa kanilang dalawa...
Ang sabi ng Prophet(salallahu alayhi wasallam) kapag ang babae at lalaki(hindi mahram) ay nag-usap(in private), ang kanilang ikatlo ay ang shaytan.(Hadith Al-Tirmidhi 3118)

2- Kalimitan sa mga magkasintahan ay naglalambingan at kung magturingan ay akala mo mag-asawa.
Ang sabi ng Prophet(salallahu alayhi wasallam): Kahit sa pagtitig na may pagnananasa, salita na may paglalambing(paglalandi) ay isang uri na ng pangangalunya. (Sahih Bukhari, Book #74, Hadith #260)

3 - Ang magkasintahan ay kung hindi nag-aakbayan ay nagho holding hands.
Ang sabi ng Prophet(salallahu alayhi wasallam): Mas maigi pa ang masaksak ng karayum gawa sa bakal ang ulo ng isang lalaking hahawak sa babaeng hindi nya mahram..[At-Tabarani in "Al Kabir, #486. Shaikh Albani said in Sahih al-Jaami' it is sahih #5045]

Karamihan sa mga nagkasintahan ang nakakagawa ng mga bagay na ito( from 1-3) at ang iba ay buntis na kung ikasal, iyong iba ay naging dalagang ina at mangilan-ngilan ang nagpapatiwakal dahil sa nadungisan ang dangal dahil sa kanilang pakikiapid sa mga lalaking hindi naman nila asawa at kawawa naman yung mga lalaki na tapat at masunurin na kayang harapin ang magulang mo at gagawin pa nyang ingrandi ang kasal ninyo para ipagmalaki ka sa madla samantala may nauna na pla sakanya 


No comments:

Post a Comment

Share