Nakakalungkot para sa ating mga kapatid, kanilang tinutularan ang mga taong magdadala sa kanila sa kapahamakan, ito man ay maging artista, musikero, modelo at marami pa. Kanilang ginagaya ang kanilang pananamit kesyo ito daw ang "uso", pananalita o ano pa man.
Si Propeta Muhammad skap ay nagsabi:
((من تشبه بقوم فهو منهم))
“Sinuman ang gumaya sa kaugalian ng iba, siya ay nabibilang sa kanila.”
Kanilang nakalimutan, mayroon pala silang karapat dapat na tularan siya ang Propeta Muhammad (peace be upon him) at ito ay pinatunayan ng ating mahabagin na Diyos ( Allah ). Sabi niya:
( لقد كان لكم في رسول الله أسوة حسنة )
Katiyakan, para sa inyo, O kayong mga mananampalataya, sa mga sinasabi ng Sugo ng Allâh (saw), sa kanyang mga ginagawa at kaugalian ay mabuting halimbawa na dapat ninyong pamarisan, Sûrah Al-Ahzâb 21
Alhamdulillah, ang Islam ay kompleto hindi nangangailan sa iba ng mga anumang bagay na may kaugnayan sa aspeto ng buhay at pamumuhay. Hindi nagkulang ang Islam sa pagturo ng mga magagandang asal sa mga mananampalataya, ito man ay pakikitungo sa ating magulang, sa ating kapatid at kapwa tao. Tinuruan tayo ng Islam paano manamit ng marangal. Marami pang iba, ngunit tayo ang nagkulang dahil sa hindi tayo nagsaliksik ng kaalaman at hindi natin pinahalagahan ang ating relihiyon. Ating hilingin sa mahabaging Allah nawa'y ipamahal niya sa atin ang pananampalatayang Islam nawa'y huwag niya tayo ilayo dito. Marami na ang nagsisi ngunit konti pa rin ang nagbabago marahil sa kanyang iniisip na siya'y bata pa o siya'y malusog pa at malayo pa sa kamatayan.
Kapatid ang kamatayan ay hindi nagpapaalam kung ika'y kanyang kukunin.
No comments:
Post a Comment