Pages

Friday, December 11, 2015

HUWAG KANG MATAKOT MAGSUOT NG HIJAB

Huwag kang matakot manamit o kapatid kong muslima ng maluwag dahil baka mapagkamalan ka ng nanay o lola kapag nakatalikod ka. At huwag ka ring matakot manamit ng maluwag dahil baka hindi kana makapag-asawa dahil walang lalaking magkakagusto sa iyo dahil hindi nakikita ang hugis o figure ng iyong katawan.

Unang-una: Ang ilagay mo sa puso’t isipan mo basta’t natutuwa sa iyo ang iyong Panginoon dahil sa pagsunod mo sa Kanya, huwag mo ng problemahin ang sasabihin o iisipin ng iba.

Pangalawa: Huwag ang figure ng katawan mo ang katakutan mong masira o hindi makita, bagkus yung figure ng Iman (Pananampalataya) mo ang iyong paka-iingatan. Wallahi mga sister maniwala kayo sa akin dahil hindi lahat ng lalaki ay ang gusto ang hugis ng katawan ninyo. Dahil ang pagiging sexy ninyo sa umpisa lang yan pero kapag nagka-anak na kayo ay mawawala na at may tendency na hahanap ng iba ang mister ninyo (kung ang mister ninyo naman ay ganoon lang kababaw ang kanyang pag-iisip) with all respect sa ibang mga brothers.

Pero (balik tayo doon sa figure) kung ang figure ng Iman (Pananampalataya) sa puso mo ang maganda at kahali halina. Wallahi! Mahirap kang ipagpalit ng iyong mister sa iba kahit pa makakita siya ng higit pa sa iyong ganda. Bakit??? Dahil yung babaeng may Iman at malakas ang kanyang pananampalataya kahit mahirap lang sila ng kanyang mister ay mararamdaman ng kanyang mister na siya ay parang hari sa loob ng kanyang bahay. Dahil pagsisilbihan mo siya, aalagaan mo siya, magpapaganda at magpapabango ka lang alang-alang sa kanya, aalagaan mo ang iyong puri alang-alang sa kanya, iingatan mo ang kanyang kunting kayamanan o mga ari-arian at ang iba pang mga pagsunod na ipinag-uutos ng Islam sa babae doon sa kanyang asawa.

Wallahi! Yun ang ang dream girl ng karamihan sa mga kalalakihan mapa muslim man o hindi, maniwala ka sa akin dahil lalaki ako sister. At dagdag pa kaya mahirap ka niyang ipagpalit dahil natatakot siya (mister) na papaano na lang kung baling araw na magkahiwalay kayo (huwag naman sana) at kunware lang mabait sa umpisa ang kanyang Makita epro sa kalaunan ubod pala ito ng kasamaan ang kanyang pagkatao. Yun ang dahilan mga sister, kaya buohin ninyo ang inyong kasuotan ng alang-alang lamang kay Allah.

Sinabi ni Allah sa [suratul Baqarah 2:208]

يا أيها الذين آمنوا ادخلوا في السلم كافة ولا تتبعوا خطوات الشيطان إنه لكم عدو مبين

“O kayong mga nananampalataya! Pumasok (sumunod) kayo sa kabuuang batas ng Islam. At huwag ninyong sundin ang mga daan ni ‘Shaytan’ na magtutulak sa inyo tungo sa daan ng mga pagkakasala dahil sa siya ay tunay ninyong kaaway”



No comments:

Post a Comment

Share