ISANG MAKATOTOHANAN AT MADAMDAMING PANGYAYARI...!!!
Ang nasa larawan ay isang babaeng Saudia na may karamdamang cancer sa dibdib at ang isa naman ay kanyang katulong na Filipina, halos kararating nitong pinay sa kaharian ng Saudi upang magtrabaho sa kanyang amo, subalit makalipas ang ilang mga araw napansin ng kanyang among babae na kapag gumagamit ng palikuran ang kanyang katulong ay sadyang natatagalan, nang mapansin ito ng maraming beses ay hindi naka tiis ang amo at tinanong ang katulong tungkol sa kanyang napansin, agad sumagot ang katulong sabay bumuhos ang kanyang luha at kanyang sinabi: madam..sa totoolang halos ilang linggo lamang ang aking kapapanganak ay naka alis na ako at aking iniwang ang aking sanggol dahil sa tindi ng pangangailangan , kaya sadyang madami ang akin gatas at kailangan kong ilabas dahil sumasakit ang aking dibdib kapag dumarami.
natulala ang Amo sa kanyang narinig at agad niyang sinabi: huwag kang umiyak ibibigay ko sa iyo ang iyong sahod para sa 2 taon at bukas na bukas bibilihan kita ng ticket para umuwi upang maalagaan mo ang iyong anak, at pagmalaki na ang iyong anak at nais mong bumalik sa akin ikaw ay tanggap muli sa akin.
nang makauwi ang katulong dumating ang takdang pagsusuri sa Amo para sa kanyang karamdaman, at nang tingnan ng manggagamot siya'y nagulat dahil nawala na ang kanyang cancer sa dibdib, nagpasuri muli upang tiyakin kung totoo ang naging resulta masha Allah tuluyan gumaling ang kanyang karamdaman....Allahu Akbar
قال رسول الله صلى الله عليه وسلم : داوو مرضاكم بالصدقات
sabi ng Rasulullah: gawing gamot sa mga may sakit sa inyo ang pagbibigay ng kawang-gawa.
No comments:
Post a Comment