Pages

Friday, December 11, 2015

• KAPIRASONG TELA •


O Muslimah!

"Minsan, ako'y inaakit mong tahakin ang daan tungong Impiyerno,
Minsan naman ay Pinapaalala mong mas mainam ang Paraiso."

Marahil ang mga pagkakataong iyon ay hindi mo namalayan,
Kaya hayaan mong aking ipaalala at iyong
maunawaan;

Maaring ito ay kapirasong tela lamang,
Subali't hatid nito ay walang hanggang kabutihan,
Dito sa mundo maging sa Kabilang Buhay,
Dulot nito ay ligayang walang humpay,

Tandaan ang sinabi ng Mahal na Propeta
(salaLLAHu alaihi wasallam);
'Ang babae ay isang Awrah, kapag siya ay lalabas,
babangon ang pag-asa ni Satanas (upang siya ay
iligaw). Hindi siya maging malapit sa ALLAH tulad
ng siya ay nasa loob ng kanyang tahanan.'

Muslimah,
ang iyong Hijab/Niqab ay isang paalala sa amin,
Isang mensahe ng Takot sa ALLAH na dapat taglayin.
Subali't kapag ito ay iyong inalis,
Landas na tinahak ay sadyang napalihis,
Maging ang irespeto kayo ay kasabay ding napalis, sa mga matang makasalanan kayo'y ay siyang pinakamainam.

Muslimah,
Sa mga Kalalakihan, kayo ang kahinaan,
Kaya sana naman sarili ninyo'y ikubli,
Nang sa ganon kapwa tayo'y makaiwas sa malaking pagkakamali.

Ang kapirasong tela lamang na inyong inaakala,
Ay siyang tanda ng isang matatag na Paniniwala,
Hindi lang sa inyong sarili magdudulot ng tamis ang magiging Bunga nito,
Bagkus tinuruan ninyo kaming mahalin at irespeto kayo."

"Ang kapirasong tela, kapwa sa atin ay napakahalaga.



No comments:

Post a Comment

Share