Hindi ipinahihintulot sa babaeng Muslim na mag-asawa ng lalaking hindi Muslim. At hindi rin ipinahihintulot sa isang babae, kapag yumakap na siya sa Islam bago yumakap ang asawa niya, na ipaubaya ang sarili niya rito bago ito yumakap sa Islam. Ang mga ito ang ilang mga patakaran hinggil sa kasal ng mga hindi Muslim:
1. Kapag sabay na yayakap sa Islam ang mag-asawang Kafir, mananatili silang mag-asawa sa dati nilang kasal, kung walang mga hadlan...g ayon sa Shari'ah sa pananatili nila bilang mag-asawa. Ang halimbawa ng hadlang na ito ay kung ang babae ay Mahram ng kanyang lalaki o hindi ipinahihintulot ang lalaki na maging asawa niya. Kung may hadlang ay paghihiwalayin sila.
2. Kung yumakap sa Islam ang asawa ng isang babaeng Kristiyano o Hudyo, mananatili silang mag-asawa sa dati nilang kasal.
3. Kung yumakap sa Islam ang isa sa mag-asawang kapwa hindi Kristiyano o Hudyo bago sila nakapagtalik, kaagad na mawawalan ng saysay ang kanilang kasal.
4. Kung yumakap sa Islam ang maybahay ng lalaking hindi Kristiyano o Hudyo o maging ano pa man ang kinaaanibang relihiyon nitobago sila nakapagtalik, kaagad na mawawalan ng saysay ang kanilang kasal sapagkat ang babaeng Muslim na ay hindi ipinahihintulot na maging maybahay ng lalaking hindi Muslim.
5. Kung yumakap sa Islam ang maybahay ngisang lalaking hindi Muslim matapos na nakapagtalik na sila, magsasagawa ng 'Iddah ang babae at mapapagpasyahan ang kahihinatnan ng kanilang kasal pagkatapos ng 'Iddah. Mawawalan ng saysay ang kanilang kasal pagkatapos ng 'Iddah kung hindi yumakap sa Islam ang lalaki at may karapatan ang babae na magpakasal sa kanino mang lalaking Muslim na naisin niya. Kung mahal ng babae ang lalaki ay maaari niyang hintayin ito na yumakap sa Islam, subalit wala siyang mga obligasyon dito bilang maybahay sa panahon ng paghihintay at wala rin itong awtoridad sa kanya. Kung yayakap sa Islam ang lalaki siya ay maybahay niya ayon sa Islam nang hindi na kailangan pang ulitin ang kasal, kahit pa man maghintay siya ng mga taon. Ganoon din ang patakaran kung yumakap sa Islam ang asawa ng babaeng hindi Kristiyano ni Hudyo.
6. Kung tatalikod sa Islam ang maybahay bago sila nakapagtalik, mawawalan ng saysay ang kanilang kasal at wala siyang karapatan sa Mahr. At kung ang lalaki naman ang tumalikod sa Islam, mawawalanng saysay ang kanilang kasal at kailangang ibigay niya ang kalahati ng nagpagkasunduang Mahr. Kung ang isa sa kanila na tumalikod sa Islam ay yumakap uli sa Islam, mananatili na may bisa ang kanilang unang kasal hangga't walang naganap na diborsiyo.
7. Kung yumakap sa Islam ang lalaki at babaeng magka-live in o kahit ang lalaki lamang, kailangan nilang magpakasal sila ng kasal ng Islam, kung ang babae ay Kristiyano o Hudyo, kung nais pa nilang magsama. Ang mga naging anak nila, bago pumasok sa Islam, ay ituturing na mga lehitimong anak.
No comments:
Post a Comment