Pages

Saturday, December 12, 2015

"ANG PERLAS"


° Sa isang kaharian, naisipan ng isang Hari na subukin ang kanyang mga Ministro bilang pagsisisiyasat sa katapatan ng mga ito.

Sa gitna ng kanilang pagtitipon, nag-utos ang hari na kumuha sila (mga ministro) ng isang Perlas, at ang pinaka-mamahalin sa mga ito na kasama sa kanyang kayamanan.

At nang mailagay ito (perlas) sa kanilang harapan, muling inutos ng Hari sa bawat isa (ministro) na basagin ang mamahaling perlas sa kanilang harapan.

Subali't wala ni isa man sa naroroon (mga ministro) ang naisagawa ang utos na iyon, ang lahat ay nanghihinayang dahil sa halaga ng perlas, hindi ito dapat na basagin.

Dahil sa hindi nila (mga ministro) naisagawa ang utos na iyon, tinawag ng Hari ang taong pinakamalapit sa kanya at tulad nila, inutusan itong basagin ang perlas.

Laking gulat ng mga ministro nang makita ang nangyari, sa walang maraming tanong at pagdadalawang isip kumuha ito ng malaking maso at agad na binasag ang perlas.

Nang magkapirapiraso ito ay sinabi ng Hari sa taong bumasag sa perlas;

"Maari bang ipaliwanag mo sa kanila kung bakit mo nagawang basagin ang perlas?"

Ang tao ay nagsabi;

"Binasag ko ang mamahaling perlas dahil iyon ay utos ng mahal na Hari. Para sa inyo, saan pala ang mas matimbang; ang utos ng Hari o ang mamahaling perlas na pag-aari niya?"

Dahil doon natagpuan ng Hari ang taong matapat sa kanya.

-----------------------------------------------

Para sa atin;

"Saan ang masmatimbang ang utos ng ALLAH o ang pagkahumaling natin sa mapaglinlang na kinang nitong daigdig?

Saan ang mas mahalaga, ang kasiyahan ng ALLAH o ang sarili nating pagnanasa?"

Maaring sa bawat oras na dumadaan sa ating pansamantalang buhay ay kaharap natin ang 'katanungang' ito.

Ako, ikaw, sila, tayo ay kabilang sa mga ministro.


No comments:

Post a Comment

Share