Pages

Thursday, December 17, 2015

PAGKAKATULAD NG MGA SHI'AH SA MGA HUDYO


Si Sheikhul Islam Ibnu Taymiyah ay nagsabi, 'Ang
palatandaan nito ay ang pagiging magkatulad ng
Rafidhah sa mga Hudyo. Ang mga Hudyo ay nagsabi
na ang kaharian ay para lamang sa pamilya ni Dawud at ang mga Rafidhah ay nagsasabi na ang
Imamah ay para lamang sa mga anak at apo ni Ali.'
Sinasabi ng mga Hudyo na,'Walang Jihad sa landas ni
Allah hanggang sa lumabas ang bulaang Kristo at
ang utos na lumaban ay ibingay.' Ang mga Rafidhah
naman ay nagsasabi na, 'Walang Jihad sa landas ni Allah hanggang sa dumating ang Mahdi at ang isang
tagatawag ay mananawagan mula sa langit upang
lumaban.'
Ang mga Hudyo ay nag-aantala sa kanilang
pagdarasal hanggang sa lumitaw ang mga bituin sa
gabi samantalang ang mga Rafidhah naman ay nag- aantala ng Salatul Maghrib hanggang sa ganitong
oras.' Ito ay ginagawa nila samantalang si Propeta
Muhammad ay nagsabi,
'Ang aking ummah ay mananatili sa magandang
kalagayan hanggat sila ay hindi nag-aantala ng
Salatul Maghrib sa oras na lumitaw na ang mga bituin sa kalangitan sa gabi.'Iniulat nina Imam Ahmad, Abu
Dawud at Ibnu Majah at tinukoy bilang hadith na
Hasan.
Ang mga Hudyo ay nagbago sa Tawrah tulad din ng
Rafidhah sa kanilang pagbago sa Qur'an. Ang mga
Hudyo ay naniniwala na hindi pinahihintulutan ang pagpunas sa ibabaw ng medyas sa pagsasagawa ng
wudu' tulad din ng paniniwala ng Rafidhah.
Ang mga Hudyo ay namumuhi kay Anghel Jibril at
sila ay nagsasabi na, 'Siya ay aming kaaway na
nabibilang sa mga anghel.' Ang mga Rafidhah
naman ay nagsasabi na, 'Si Jibril ay nagkamali sa pagbibigay ng kapahayagan kay Propeta
Muhammad.'1
Ang mga Rafidhah ay tulad din ng mga Kristiyano
pagdating sa usapin ng Mahr, sila ay hindi
nagbibigay ng Mahr. Ang mga Rafidhah ay
naniniwala sa Mut'ah o panandaliang pag-aasawa at itinuturing ito bilang pinahihintulutan.
Ang mga Hudyo at mga Kristiyano ay mas mabuti
kaysa sa mga Rafidhah dahil kapag tinanong mo ang
mga Hudyo kung sino ang pinakamabuti sa mga
Hudyo ay sasabihin nila na ito ay ang mga
'kasamahan ni Musa'. Kapag tinanong mo naman ang mga Kristiyano kung sino ang pinakamabuti sa
mga Kristiyano ay sasabihin nila na, 'ang mga apostol
ni Jesus'. Subalit kung tatanungin mo ang mga
rafidhah kung sino ang pinakamasama sa mga
muslim ay sasabihin nila na ito ang, 'mga sahabah ni
Propeta Muhammad'. 2 Ang mga Hudyo ay humahati sa mga tao sa
dalawang uri at ito ay ang mga Hudyo at iba pang
mga nasyon. Ang iba pang nasyon ay sinumang
hindi kabilang sa mga Hudyo. Ang mga Hudyo ay
naniniwala na sila ang mga mananampalataya at ang
iba pang mga nasyon ay pinaniniwalaan nila bilang mga mushrikin at mga hindi mananampalataya na
walang nalalaman ukol kay Allah. Binabanggit sa
Talmud, 'Ang lahat ng nasyon bukod pa sa mga
Hudyo ay mga hindi mananampalataya'. Ang
kanilang mga rabbis ang nagtatanim ng ganitong
katuruan sa kanilang mga isipan. Maging si Eisa ay hindi naging ligtas mula sa ganitong kasamaan. Sa
Talmud ay nababanggit na si Jesus ay, 'isang hindi
mananampalataya na walang nalalaman ukol kay
Allah'.
Ang mga Rafidhah ay naniniwala na sila lamang ang
mga mananampalataya at ang iba pang mga grupo liban sa kanila ay mga hindi muslim o tumalikod sa
pananampalatayang Islam at walang bahagi sa
Islam. Ang kadahilanan ng pagbibintang ng
Rafidhah sa iba pang muslim ay dahil sa hindi umano
nila paniniwala sa wilayah o autoridad ng
pamumuno kanilang mga Imam. Ang mga Rafidhah ay tumuturing dito bilang isang haligi ng Islam. Ayon
sa kanila, ang sinumang muslim na hindi maniwala
sa wilayah ay isang hindi mananampalataya at tulad
ng isang muslim na walang pananampalataya sa
shahadah at salah. Ang wilayah ay binibigyan ng
higit na pagpapahalaga kaysa sa iba pang mga haligi ng Islam.
SI Al Burqi ay nag-ulat na sinabi ni Abu Abdullah,
'Walang tunay na mananampalataya maliban sa amin
at aming mga kapatid na shi'ah at ang iba pang mga
tao ay pawang mga hindi mananampalataya.'
Sa paliwanag ni Al Qummi ay binanggit na sinabi ni Abu Abdullah, 'Walang relihiyon ng Islam hanggang
sa Araw ng Pagkabuhay-muli liban sa amin.'3 Bakit
Tinawag na Rafidhah ang Shi'ah Ang dahilan kung
bakit sila pinangalanan nang
ganito ay binanggit ng isang iskolar na shi'ah na si Al
Majlisi sa kanyang aklat na pinamagatang Biharul Anwar. Sinabi niya: 'Kabanata, Ang kahigitan ng mga
Rafidhah at ang karangalan sa pagtaguring ito.'
Binanggit niya sa isang ulat ayon kay Sulayman Al
A'mush, 'Ako ay tumungo kay Abu Abdullah Ja'far
bin Muhammad at nagsabi, 'Ako ay nakahandang
magsakripisyo para sa iyo. Ang mga tao ay tinatagurian tayong mga Rawafidh. Sino ba an gang
mga Rawafidh?' Sumagot ito, 'Isinusumpa ko kay
Allah, hindi sila ang nagtaguri sa iyo nito bagkus ay
si Allah ang nagpangalan sa iyo nito sa Tawrah at sa
Injil at ito ay binanggit nina propeta Musa at Eisa.'1
Sinasabi rin na sila ay tinawag na mga Rafidhah o mga nagtakwil dahil nang nilapitan nila si Zaid bin Ali
Al Husain at sila ay nagsabi, 'Itakwil mo sina Abu
Bakr at Omar upang kami ay sumapi sa iyo!' Sinabi
nito, 'Sila ay mga kasamahan ng aking lolo at ako ay
kapanig nila.' Sinabi nila, 'Kung gayon ay itatakwil ka
namin.' At matapos nito ay tinawag na silang mga rawafidh o mga nagtakwil samantalang ang mga
nanatiling matapat kay Zayd ay tinawag na mga
Zaydiyah. 2 Sinasabi rin na sila ay tinawag na mga
rafidhah dahil
sa kanilang pagtakwil kina Abu Bakr at Omar.3
_______________________________________ 1 Biharul Anwar ni Al Majlisi 97/65
2 Komentaryo sa taksto ng Lum'atul I'tiqad ni Sheikh
Abdullah Al Jibrin – Kahabagan nawa siya ni Allah –
p. 108
3 Komentaryo sa mga Artikulong Islamiko ni
Muhyiddin Abdulhamid 1/89 Ang mga Tunay na Kaganapan sa Karbala
ANG KARBALA AT ANG MAIKSING KASAYSAYAN NITO
SA PANANAW NG AHLUS SUNNAH WAL JAMA'AH
-------------
Ang 'ashura ay araw ng pag-aayuno para sa ating
mga muslim subalit ito ay isang paggunita at pagdiriwang para sa mga ligaw na tao na
nagpapakilalang mga muslim na nakikilala natin
bilang mga shi'ah. Ang araw na ito ay araw diumano
ng pagluluksa at patunay ng pang-aapi ng mga
sahabah sa ahlul bayt. Narito ang maiks...ing tala ng
mga pangyayari ayon sa tunay na kasaysayan ng mga kaganapan sa Karbala at kamatayan ni Al
Husain. ANO ANG KARBALA?
-------------
Ang Karbala ay isang lugar na matatagpuan sa 'Iraq
na kung saan ay naganap ang labanan sa pagitan
nina Al Husain bin 'Ali at Hukbo ni Yazid bin Mu'awiyah sa pamumuno si 'Omar bin Sa'd. SINO SI
YAZID BIN MU'AWIYAH?
--------------------------
Siya ay anak ng sahabah na si Mu'awiyah bin Abi
Sufyan na isa sa mga tagapagtala ng Qur'an noong
nabubuhay pa si Propeta Muhammad. Si Mu'awiyah ang sumunod na khalifah kay 'Ali bin Abi Talib. Nang
siya ay namatay ay pumalit sa kanya ang kanyang
anak na si Yazid na nakikilala sa pagiging mabisyo.
Nauulat sa mga kasaysayan na pinahintulutan ni
Mu'awiyah si Yazid na mamuno matapos siya
matapos itong sumumpa na magiging pinuno na tulad ni 'Omar bin Al Khattab. Ito ay hindi nagkatotoo
dahil siya ay nanatiling mabisyo at palalo sa kanyang
pamumuno kaya marami sa mga sahabah ang
tumanggi na kilalanin siya bilang khalifah at kabilang
dito si Al Husain bin 'Ali. SINO SI AL HUSAIN BIN 'ALI?
--------------- Siya ay anak ni 'Ali bin Abi Talib at Fatimah na anak ni
Propeta Muhammad. ANG PANLILINLANG NG MGA
TAGA KUFAH
-------------------------
Si Husain bin 'Ali ay inimbitahan ng mga taga-Kufah,
'Iraq upang kanilang maging pinuno sa pag-asa na pamunuan sila nang naaayon sa Islam na taliwas sa
pamunuan ni Yazid. Sa umpisa ay nagpadala ng mga
liham ang mga taga-Kufah na naglalaman ng
pangako ng kanilang suporta. Dumating kay Al
Husain ang mga liham na ito kasama ang mga taga-
Kufa na personal na tumungo sa kanya. Subalit habang siya ay naglalakbay tungo sa Kufah sa kabila
ng pagtutol dito ng marami sa mga sahabah ay
nagbago ang mga pangyayari sa Kufah. Ang mga
unang nangako ng suporta ay tumalikod sa
pangako. Ito ay agad napansin ni Muslim bin 'Aqil na
pinadala ni Al Husain bilang mensahero subalit siya ay napatay na bago pa siya makapagbabala kay Al
Husain. Ang mga sahabah ay tumutol dahil sinabi ni
la na
ang mga taga-Kufah ay mapanlinlang at sila ang
tunay na nanlinlang at pumatay sa kanyang ama na
si 'Ali bin Abi Talib at kapatid na si Al Hasan. Ang bagong gobernador ng Kufah na si Ubaydullah
bin Ziyad na pumalit kay Nu'man bin Bashir na isang
sahabah ang siyang nagpakita ng kalupitan sa
usapin ng pagdating ni Al Husain. Si Ubaydullah ang
nag-utos na patayin ang mensahero na isinugo ni Al
Husain na si Muslim bin 'Aqil na pinsan ni Al Husain na anak ni Aqil na kapatid ni 'Ali bin Abi Talib.
Pinapatay din niya ang iba pang nagpakita ng
suporta sa kanya. SI HUR BIN YAZID Si Hur bin Yazid
ay pinadala upang pigilin ang
pagpasok nina Al Husain sa Kufah. Si Hur ay may
lubos na paggalang kay Al Husain subalit siya ay inutusan na pigilan na makapasok si Al Husain sa
Kufah. SI 'OMAR BIN SA'D Si Ubaydullah ay nagpadala
ng mas malaking hukbo
sa pamumuno ni 'Omar bin Sa'd. Ilang ulit silang
nagkaroon ng dialogo ni Al Husain at
napagkasunduan nila na huwag nang tumulak si Al Husain sa Kufah at bumalik na lamang sa Makkah at
sumama na lamang sa mga hukbo na nagji-jihad.
Siya ay nagpadala ng sulat kay Ubaydullah bin Ziyad
at pumayag si Ubaydullah sa mga nais mangyari ni Al
Husain.

No comments:

Post a Comment

Share