Pages

Saturday, December 12, 2015

ANO BA ANG MAGAGAWA MONG PAKINABANG?


SINABI NG PROPHETA MUHAMMAD SKAP:

خَيْرُ النَّاسِ أَنْفَعُهُمْ لِلنَّاسِ

ANG MAINAM SA MGA TAO AY NAKAKAPAGBIGAY NG PAKINABANG SA MGA TAO

Nabanggit sa kuwento na mayroong isang pinuno sa China ang naglagay ng malaking bato sa isang pangunahing lansangan at ito ay naisara dahil dito. Siya ay nagtalaga ng tao upang bantayan ito mula sa likod ng puno at magsusumbong sa pinuno kung ano ang ginawa ng mga tao.

Unang dumaan ang isang lalaki at siya ay isang malaking negosyante sa bansang iyun at tumingin sa bato nang may pagkamuhi at pamimintas sa naglagay ng bato na ito nang hindi niya nalalaman na ang naglagay pala dito ay ang Pinuno nila. Umikot ang negosyanteng ito sa paligid ng bato upang makadaan habang isinisigaw, "Ako ay tutungo Pinuno upang ireklamo ito at parurusahan namin ang may kagagawan nito."

Sumunod na dumaan ang isang construction worker at siya ay tulad lang din ng negosyante subalit ang tinig niya ay mas mahina dahil siya ay may mas mababang antas sa kanilang lipunan.

Matapos nito ay dumaan ang tatlong makakaibigan. Mga kabataan na hindi pa nila nalalaman ang kanilang mga gagawin sa buhay at sila ay tumayo sa tabi ng bato at nang-alipusta sa naglagay ng bato at inilarawan nila ito bilang mangmang, hangal at mapanggawa ng kaguluhan at sila ay tumungo na sa kanilang mga bahay.

Makalipas ang dalawang araw ay dumaan ang isang mahirap na magbubukid. Siya ay hindi nagsalita at itinupi na lamang ang kanyang mga manggas at nagsikap na itulak ang bato at humingi ng tulong sa sinumang napadaan. Siya ay nagbigay inspirasyon sa iba at siya ay tinulungan na itulak ang bato nang malayo sa kalsada.

Matapos na maalis ng magbubukid ang bato ay nakakita siya ng kahon sa kanyang daanan at nasa loob ng kahon ang isang pirasong ginto at liham na nagsasabing, 'Mula sa Pinuno tungo sa siyang nag-alis ng batong ito. Ito ay kabayaran sa iyo dahil sa ikaw ay isang produktibong tao at ikaw ay nagbigay ng solusyon sa problema sa halip na magreklamo at mag-ingay lamang.'

حكى أن أحد الحكام فى الصين وضع صخرة كبيرة على طريق رئيسي فأغلقه تماماً، ووضع حارساً ليراقبها من خلف شجرة ويخبره بردة فعل الناس!!؟

مر أول رجل وكان تاجر كبير في البلدة فنظر إلى الصخرة باشمئزاز منتقداً من وضعها دون أن يعرف أنه الحاكم، فدار هذا التاجر من حول الصخرة رافعاً صوته قائلاً: " سوف أذهب لأشكو هذا الأمر، وسوف نعاقب من وضعها".

ثم مر شخص ثان وكان يعمل في البناء، فقام بما فعله التاجر، لكن صوته كان أقل علواً، لأنه أقل شأناً في البلاد.

ثم مر 3 أصدقاء معاً، من الشباب الذين ما زالوا يبحثون عن هويتهم في الحياة، وقفوا إلى جانب الصخرة وسخروا من وضع بلادهم، ووصفوا من وضعها بالجاهل والأحمق والفوضوي، ثم انصرفوا إلى بيوتهم!!.

وبعد مرور يومين جاء فلاح من الطبقة الفقيرة، فلم يتكلم وإنما بادر إليها مشمراً عن ساعديه محاولاً دفعها، وطلب المساعدة ممن يمر، فتشجع أخرون وساعدوه، ودفعوا الصخرة بعيدا عن الطريق.

وبعد أن أزاح الفلاح الصخرة وجد صندوقاً في طريقه وبالصندوق قطع من ذهب ورسالة مكتوب فيها: " من الحاكم إلى من أزال هذه الصخرة، هذه مكافأة لك لأنك إنسان إيجابي بادرت لحل المشكلة بدلاً من الشكوى منها والصراخ



No comments:

Post a Comment

Share