Si Ibn Rajab rahimahullaah ay nagsabi sa kanyang ‘Lataaiful-Ma`aarif':
“Mayroong isang lalaki na nagsabi kay Ibn Abbaas radiyAllaahu `anhumaa: “ Nais kong ipag-utos ang kabutihan at ipagbawal ang kasamaan.”
Sinagot siya ni Ibn Abbas (rahimahullah): “ Kung ikaw ay hindi natatakot sa tatlong ayah ng Qur’an na ito na maaaring maglantad ng katotohanan tungkol sa iyo; ipagpatuloy mo. At kung nangangamba ka naman ay umpisahan mo sa iyong sarili.”
At kanyang dinalit:
أَتَأْمُرُونَ النَّاسَ بِالْبِرِّ وَتَنسَوْنَ أَنفُسَكُمْ
“Napakasama ng inyong kalagayan at maging ng inyong mga Pantas (Iskolar o Paham), nang inutusan ninyo ang mga taong gumawa ng mga kabutihan at pinabayaan ninyo ang inyong mga sarili, na hindi ninyo iniutos sa inyong mga sarili ang dakilang kabutihan.”
[Sooratul Baqarah; (2):44]
At ang sinabi ni Allaah (subhanahu wa ta’ala):
لِمَ تَقُولُونَ مَا لَا تَفْعَلُونَ كَبُرَ مَقْتًا عِندَ اللَّهِ أَن تَقُولُوا مَا لَا تَفْعَلُونَ
“O kayong mga naniwala sa Allâh (subhanahu wa ta’ala) at sumunod sa Kanyang Sugo! Bakit kayo nangangako ng pangako o nagsasalita ng mga salita na hindi naman ninyo tinutupad? Ito ay pagsasalungat sa sinuman na sinasalungat ng kanyang gawa ang kanyang sinasabi. Kapoot-poot sa paningin ng Allâh (subhanahu wa ta’ala) ang inyong sinasabi sa inyong mga bibig na hindi naman ninyo ginagawa.”
[Sooratus-Saff; (61):2-3]
At ang sinabi ng Allaah (subhanahu wa ta’ala) ukol sa kasaysayan ni Shu`ayb `alayhis-Salaam – (nang kanyang sabihin sa kanyang mga tao):
وَمَا أُرِيدُ أَنْ أُخَالِفَكُمْ إِلَىٰ مَا أَنْهَاكُمْ عَنْهُ
“At hindi ko nais na maging salungat sa inyo, na isasagawa ang anumang bagay na ipinagbabawal ko sa inyo.”
[Sooratul-Hood; (11):88]
[pinagkuhanan: ‘Lataaiful Ma`aarif fil-Mawaasim al-`Aam min al-Wadhaaif’ of Ibn Rajab; al-Maktab al-Islaamee
No comments:
Post a Comment