AKING MGA SITES
Friday, December 11, 2015
BAKIT TAYO NAGBABASA NG QUR’AN, GAYONG HINDI NAMAN NATIN NAUUNAWAAN ANG KAHIT ISANG SALITA NG WIKANG ARABIC?
Heto ang isang magandang kwento na makapagpapaliwanag sa kahalagahan ng pagbabasa ng Qur’an.
Isang matandang Amerikanong Muslim ang nakatira sa bukid sa kabundukan ng Silangang Kentucky kasama ang kanyang apong lalaki. Tuwing umaga ay maagang nauupo sa may kusina ang lolo upang magbasa ng Qur’an. Si apo, na gustung-gustong maging tulad ng kanyang lolo, ay sinusubukang gayahin ang mga gawain nito sa abot ng kanyang makakaya.
Isang araw ay nagtanong ang apo, “Lolo, sinusubukan kong basahin ang Qur’an tulad mo ngunit hindi ko ito maunawaan, at kung anuman ang maunawaan ko, ay kusa kong nakalilimutan kapag naisara ko na ito. Ano po bang kabutihan ang naidudulot ng pagbabasa ng Qur’an?"
Si lolo na kasalukuyang naglalagay ng uling sa lutuan ay tahimik na lumingon at nagwikang, “Dalhin mo ang bakanteng basket ng uling na ito sa ilog at dalhan mo ako ng isang basket ng tubig sa iyong pagbalik."
Ginawa ng apo ang utos ng lolo, ngunit lahat ng tubig sa basket ay nagsitulo na bago pa man siya nakabalik sa bahay. Tumawa ang lolo at nagsabing, “Kailangan mong kumilos ng mas mabilis sa susunod.” Sa pangalawang pagkakataon, tumakbo ng matulin ang apo, ngunit muli, walang lamang tubig na naiiwan sa basket bago pa siya makarating ng bahay. Sinabi nya sa kanyang lolo, sa pagitan ng kanyang paghingal mula sa pagtakbo, na imposibleng makapag-igib ng tubig gamit ang basket, kaya minabuti n'yang gamitin ang timba.
Wika ng matanda, “Ngunit ayaw ko ng timba ng tubig, ang gusto ko ay basket ng tubig. Marahil ay hindi mo lamang binibigay ang lahat ng iyong makakaya.” Tumayo ang lolo, nagtungo sa pintuan, at pinanood ang apo na subukang muli ang kanyang utos.
Sa puntong ito, buo na ang loob ng apo na hindi posible ang ipinagagawa ng mahal niyang lolo ngunit nais niyang ipakita dito na kahit tumakbo siya ng pinakamabilis ay tutulo pa rin lahat ng tubig bago niya marating ang bahay. Nilubog ng apo ang basket sa ilog, sumalok ng tubig, tumakbo ng napakatulin, ngunit pagdating ng bahay ay nanatili itong walang laman. Winika ng apo, “Tingnan mo lolo, walang kabuluhan ang ginawa ko.”
“Sa tingin mo ang lahat ng ito ay walang kabuluhan? Tingnan mo ang basket”, sagot ng lolo.
Tiningnan ng apo ang basket at sa unang pagkakataon ay napagtanto niyang may pagbabago sa basket. Ang dating maruming basket na lagayan ng uling ay naging malinis sa loob at labas.
“Apo ko, ganyan ang nangyayari kapag nagbabasa ka ng Qur’an.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment