Pages

Saturday, December 12, 2015

PAG-AMPON NG BATA

PAANO KUNG WALA KAYONG ANAK ?
AT GUSTO NIYO NA LANG MAG-AMPON ?
ANO ANG KARAPAT- DAPAT MONG GAWIN ?
*******************************
Ang Pag-ampon ng Bata:
-----------------------------
Hindi pinapahintulot ng Islam ang pag-ampon ng bata na hindi kamag-anak o kadugo ng lalaki. Dahil ang apelyido ng ama na nais umampon sa bata ang siyang gagamitin niya at magkakaroon siya ng karapatan sa lahat ng pribilehiyo na ibinibigay sa tunay na anak. Ito ay batay sa talata ng Banal na Qur’an:

“Ang Allah ay hindi naglagay sa kaninomang lalaki ng dalawang puso sa kanyang dibdib, gayun din naman hindi Niya ginawa ang inyong asawang babae na inyong dinidiborsiyo sa pamamagitan ng Zihar , na (maging) inyong tunay na ina, at hindi rin Niya ginawa ang inyong mga ampon na lalaki (na maging) inyong mga tunay na anak. Ito ay isa lamang bukang bibig o sinasambit ng inyong mga bibig. Datapwa’t ang Allah ay nagsasabi ng katotohanan (sa inyo) at Siya ang nagtuturo ng (tamang) landas.”
“Tawagin ninyo sila sa pangalan ng kanilang (tunay) na ama, ito ay higit na makatarungan sa Paningin ng Allah. Datapwa’t kung hindi ninyo alam ang pangalan ng kanilang ama, (kung gayon ay sila) ay inyong kapatid sa pananampalataya o inyong mga (Maulas ) kaibigan. Datapwa’t hindi ninyo ito kasalanan kung kayo ay nagkamali rito, (ang higit na) mahalaga ay ang sa loobin ng inyong puso, at ang Allah ang lagi ng Nagpapatawad, ang Pinakamaawain.” Qur’an 33:4-5

Ano ang Zihar ?

***Ang Zihar ay ang bukang bibig na pagsasalita sa asawang (babae) na: ‘Pinapahayag kong ikaw ay bawal sa akin at ikaw ay katulad ng likod ng aking ina, (samakatuwid, ikaw ay hindi nararapat sipingin)’. Ito ay pinagbabawal na gawain noong bago pa dumating ang Islam, pre-Islamic (Jahiliyyah) na pamayanan.

Ano ang Maulas ?

Ito ay katawagan noong bago pa dumating ang Islam (pre-Islamic, Jahiliyyah, pamayanan) na itinatawag sa isang tao o grupo ng tao na sumuko bilang matapat na tagasunod ng isang tribo o angkan, bagama’t hindi sila kamag-anak, para sa kapakanan at pagbibigay nila ng tulong. Ang mga taong ito ay walang karapatan gaya ng mga orihinal na miyembro ng tribo o angkan.


No comments:

Post a Comment

Share