Pages

Saturday, December 12, 2015

BIYAYA NG ISANG AMA(SPORTS CAR)


Isang binatilyo ang naghahanda para sa kanyang nalalapit na pagtatapos sa kolehiyo.
Maraming buwan siya’y humanga sa kaaya-ayang ‘sports car’ na makikita sa silid-tanghalan ng isang sikat na mangangalakal, at batid niya na kayang bilhin ito ng kanyang ama, at sinabi niya sa kanyang ama na wala siyang ibang nais kundi yaon.

Habang papalapit na ang araw ng pagtatapos, ang binatilyo ay naghihintay ng palatandaan na bibilihin ng kanyang aman ang ‘sports car’. Sa wakas, sa umaga ng kanyang pagtatapos, tinawag siya ng kanyang ama sa kanyang pribadong silid-aralan.
Sinabi ng ama kung gaano niya ipinagmamalaki ang pagkakaroon ng mabuting anak, at sinabi niya kung gaano niya ito kamahal. At pagkatapos, iniabot niya sa kanyang anak ang regalo na nakalagay sa loob ng isang kahon na nababalutan ng napakagandang pambalot. Natuwa naman ang binatilyo, ngunit may bakas sa kanyang mukha ang pagkabigo, at binuksan ito ng binatilyo at nakita niya ang magandang Qur’an na nabalutan ng kuwero, na may sulat na pangalang-nakaumpok ng kanyang anak na yari sa ginto.

Galit ang binatilyo sa kanyang natanggap na regalo, pinagtaasan niya ng boses ang ama at nagsabi; “Sa dami ng pera mo, Qur’an lang ang ibinigay mo sa akin?” galit na galit habang lumalabas ng bahay, at iniwan ang banal na Qur’an.

Nakalipas ang napakaraming taon, naging matagumpay ang binatilyo sa pangangalakal. Nagkaroon siya ng magarang bahay at magandang pamilya, naalala niya, na ang kanyang ama ay matanda na, at iniisip niya, marahil, panahon na na siya ay puntahan. Buhat noong siya ay nagtapos, hindi siya nagpakita sa kanyang ama. Bago pa nangyari ang pakikipag-ayos niya sa kanyang ama, nakatanggap siya ng telegrama na nagsasabi na yumao na ang kanyang ama, at lahat ng ari-arian ay pinamana niya sa kanyang anak.

Agad-agad siyang pumunta sa tahanan ng ama para mapangalagaan ang mga gamit nito. Nang siya’y dumating sa tahanan ng ama, punong-puno ang kanyang puso ng biglang kalungkutan at pagsisisi. Nagsimula niyang hanapin ang mga mahalagang papilis ng kanyang ama at nakita niya ang banal na Qur’an na wala pa ring pagbabago tulad pa rin ng dati noong ito’y iniwan niya sa nakalipas na maraming taon. Kasabay ang luha na pumapatak mula sa kanyang mga mata, binuksan niya ang banal na Qur’an, at sinimulan niyang buklatin ang mga pahina nito. Habang ito’y ginagawa niya, biglang nalaglag ang susi mula sa likuran ng Banal na Qur’an.

Na nakalagay ang pangalan ng mangangalakal, magkatulad ng pangalan ng isang sikat na mangangalakal na kanyang hinangaan noon na nais niyang makamit. Nakalagay sa tag ang petsa ng kanyang pagtatapos, at ang salitang ‘PAID IN FULL’ [ibig sabihin ay bayad na lahat – ang sport’s car].

KAPUPULUTANG ARAL MULA SA KWENTO:

Ilang beses nating kinaligtaan ang mga biyaya ng Allah at tugon sa ating mga panalangin dahil hindi ito dumating sa panahon na ating inaasahan?
Maraming nag-aakala sa atin na ang binigay sa atin na biyaya ay hindi mainam sa ating paningin, ngunit nasa likod pala nito ang napakalaking bagay na inilaan para sa atin.

Sinabi ng Allah (سبحان وتعالى): [al-Baqarah 2: 216]

وَعَسَى أَنْ تَكْرَهُوا شَيْئًا وَهُوَ خَيْرٌ لَكُمْ وَعَسَى أَنْ تُحِبُّوا شَيْئًا وَهُوَ شَرٌّ لَكُمْ وَاللَّهُ يَعْلَمُ وَأَنْتُمْ لَا تَعْلَمُونَ

"..magkagayunpaman, maaaring ang bagay na inaayawan ninyo sa katunayan ay makabubuti para sa inyo. At maaari namang ang isang bagay na gusto ninyo, ay makasasama para sa inyo. Ang Allâh (سبحان وتعالى), Siya lamang ang Ganap na Nakaaalam kung ano ang makabubuti para sa inyo subali’t kayo ay hindi ninyo alam. Kung gayon, mag-‘Jihâd’ kayo sa Kanyang Daan."



No comments:

Post a Comment

Share