AKING MGA SITES
Thursday, December 17, 2015
SUFISM : ANG PINAGMULAN AT AQEEDAH NG SEKTA
Fatwa bilang 19521
Ang Al-Sufiyyah (Sufism) ay kinuha sa salitang Suf (wool) sapagkat ito ang kanilang kausotan. Ito ang pinakamalapit na kahulugan sa wika at sa katotohanan. At para doon sa sinasabi nila na ang Al-Sufiyyah ay kinuha sa Al-Suffah sapagkat sila raw ay kahalintulad ng mga mahihirap na Sahabah (radiyallahu anhum) na nagtutungo sa isang lugar sa Al-Masjid Al-Nabawy (ang masjid ng Propeta salallahu alayhi wa salam sa Madinah) at tinatawag na Suffah, o tinatagurian nila ang kanilang mga sarili sa Safwah (pagkadalisay) dahil sa kadalisayan ng kanilang mga puso at mga gawa; ang lahat ng kanilang sinasabi na ito ay pawang walang katotohanan. Dahil ang pagtataguri sa Suffah ay tinatawag na Saffyy na mayroong dalawang titik f at y. At ang pagtataguri naman sa Safwah ay Safawy at ang dalawang ito ay hindi tumutugma sa kanilang katangian dahil sila ay may maling kaisipan, mali ang `Aqidah at palagiang gumagawa ng Bid`ah (pagbabago sa relihiyon). Ang lahat ng sekta ng Sufi ngayon o ang tinatawag nilang Tasawwuf (mysticism) ay puno ng Bid`ah at ng mga gawain na sa bid’ah rin mauuwi at ang mga mali nilang pag-unawa na taliwas sa Qur’an at Sunnah ng Propeta (salallahu alayhi wa salam) gaya nang pagtawag o paghingi ng tulong sa mga patay at ang Al-Aqtab sa pagsasabi ng: Madad ya Sayyidy (Tulungan mo kami, O aking panginoon). Madad ya Zaynab (tulungan mo kami, O Zaynab). Madad ya Badawy o ya Dusuqy (tulungan mo kami, O Badawy o Dusuqy), at mga katulad na gawain ng paghingi ng tulong mula sa kanilang mga shuyookh at Aqtab at ang paniniwala na ang mga ito ang sumusubaybay ng palihim sa puso ng tao at siyang nakakaalam ng mga nakatago at nilalaman ng puso, at tinatawag nila si Allah (subhanahu wa ta’ala) sa mga katangian at pangalan na hindi Niya (subhanahu wa ta’ala) itinawag sa Kanyang sarili gaya ng : Hwa (Siya) at Ah. Ang Sufism ay mayroong makabagong Wird (bahagi ng Qur’an na palagiang dinadalit) at mga du’a o panalangin na hindi ipinahihintulot. Pinasusumpa nila ang kanilang mga tagasunod na alalahanin si Allah (subhanahu wa ta’ala) sa kanilang mga ritwal ng pagsamba sa pangalan na kanilang itinakda gaya ng Allah, Hay (buhay) at Qayyum , paulit ulit nila itong binabanggit sa araw at gabi at hindi sila bumabanggit ng ibang pangalan at katangian maliban na ito ay ipag-utos ng kanilang shaykh, sapagkat kung gagawin nila ang ganito (pagbanggit ng hindi ipinag-utos), sila ay magiging suwail at kinakailangan nilang katakutan ang kapangyarihan ng mga alagad ng mga pangalan. Ang pagbigkas sa mga pangalan na ito ng paulit-ulit ay kinakailangan na sabayan ng paggalaw ng ulo sa kaliwa at kana, pagyuko at pagtango, pagsayaw, pagkanta, pagpalakpak at iba pang gawain na walang basehan sa relihiyon; sa Qur’an at Sunnah ni Propeta Muhammad (salallahu alayhi wa salam). Ang mga Muslim ay hindi dapat maki-upo sa kanilang umpukan at lumayo sila sa pakikisalamuha sa mga Sufi upang huwag silang maimpluwensyahan ng mga maling kaisipan, Bid`ah o pagtatambal sa pagsamba. Payuhan ninyo sila at ipaliwanag ang katotohanan sa kanila sapagkat marahil ay gagabayan sila ni Allah (subhanahu wa ta’ala) sa pamamagitan ninyo at pahintulutan ang mga gawain na naaayon sa Qur’an at Sunnah. Tinututulan namin ang mga gawain na taliwas sa pamamaraan ng Ahl-ul-Sunnah wal-Jama`ah upang mapanatili ang kaligtasan. Sinuman ang nagnanais na malaman ang tamang kalagayan ng Sufism at ang kanilang `Aqidah ng buong detalye, kinakailangan ay magbasa siya ng aklat na Madarij Al-Salikin ni Ibn Qayyim Al-Jawziyyah at ang aklat na “This is Sufism” ni `Abdul-Rahman Al-Wakil.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment