AKING MGA SITES
Saturday, December 12, 2015
PAGTANGGI NG BABAE SA (KHITBAH)ALOK NG ISANG LALAKI:
Sa mga pagkakataon ng pag-khitbah o pag-aalok ng kasal ay kadalasang ang isang lalaki at isang babae ay nasa matinding tensiyon na emosyonal na dala ng pagkabalisa, agam agam, saya at iba pa.
Kapag naging matagumpay ang pag-aalok ng isang lalaki ng kasal sa babae ay nakapagdudulot ito ng ibayong saya sa mag-asawa na hindi nila makakalimutan.
Subalit paano kung ang salungat nito ang maganap? Paano kung ang babae ay tatanggi?
Bakit nga ba tumatanggi ang mga kababaihan sa alok na kasal?
Dahil ba
pangit ang lalaki? Dahil ba hindi siya mayaman? Katotohanan ay marami ang dahilan subalit walang kapangyarihan ang lalaki na kahit na anuman na tanggihan ang desisyon na ito ng babae.
Ang khitbah ay isang proseso ng pag-aalok at tulad ng iba pang pag-aalok sa pamilihan halimbawa ay hindi naman natin lahat tatanggapin. Hindi lamang dahil sa ayaw natin ang bilihing ito bagkus kadalasan ay dahil sa hindi natin kailangan ang inaalok na ito.
At lubhang napakabihira naman na tatanggihan natin ang inaalok dahil sa ayaw natin ng nag-aalok.
Kayong mga kalalakihan bilang mga tindero o salesmen ay nag-aalok sa aming mga sarili at ang pagtanggap naming mga babae ay nakasalalay sa itinakda ng Allah.
Huwag mong isipin na wala kang kuwentang tao o mayabang ang babae at masyadong mapagmataas kaya ka niya tinanggihan. Maaaring hindi pa siya handa. Maaaring may iba siyang napupusuan na katangian ng lalaking nais niyang mapangasawa na hindi niya nakikita sa iyo kahit pa sabihin mong taglay mo ito.
Maaaring mabuti ka ngang lalaki ngunit hindi ka naman magiging mabuti sa kanyang pananaw na kung panghahawakan niya ay hindi naman siya nagkakasala dahil malaya ang babae na mamili ng kung anumang pasya ang nais niya.
Huwag kang magmukmok o magmaliit sa sarili na baka, 'you're not good enough'. Huwag ka ring magtanim ng sama ng loob o galit. Ang bawat isa ay may kanya kanyang pananaw at hindi talaga magaganap ang hindi itinakda ng Allah anuman ang ating gawin. At kung itinakda ng Allah na kayo ay hindi para sa isat isa ay maaaring may iba namang itinakda ang Allah para sa iyo na higit na makabubuti para sa iyo. Maaaring isang babaeng mas maganda, mas bata, at may mas matibay na pananampalataya .
O isang babaeng nakahihigit sa tumanggi sa iyo sa marami pang pamamaraan na hindi mo nalalaman.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment