Pages

Friday, December 11, 2015

=BULONG NG SHAYTAN=

Ang masasamang bulong sa oras ng pagdadasal at sa ibang panahon ay mula kay Shaytan na nagsusumikap iligaw ng landas ang mga Muslim at pigilan at ilayo sila sa kabutihan. Minsan nagreklamo ang isang Sahabah sa Sugor ng ALLAHO hinggil sa waswas sa oras ng pagdadasal at sinabi niya:“Ang Shaytan ay dumarating sa pagitan namin at ang aking paddadasal at ang pagbabasa sa Qur’an ay aking nakakalimutan.”

Sinabi ng Sugor ng ALLAHO:
“Siya ang diyablong tinatawag na Khanzab. Kung makakasira ito sa iyong kataimtiman sa pagdarasal, magpakupkop mula sa Allah at tatlong ulit na dumura sa kaliwa.” Sinabi ng Sahabah, ginawa ko ang ipinag-uutos ng Propeta at inilayo ng Allah sa akin ang diyablo.” [Muslim, 2203]

Ang tamang kataimtiman (Khusho’) ay ang siyang diwa ng pagdadasal. Ang pagdadasal ng hindi mataimtim ay katulad ng katawan na walang kaluluwa. Ang sumusunod na dalawang paksa ay mga bagay na makakatulong upang makamit natin ang taimtim na pagdarasal:
Ang pagsusumikap na isipin ang iyong sinasabi at ginagawa, pag-iintindi sa kahulugan o ang pahayag ng Qur’an, dhikr at mga dua’a na iyong binibigkas na sa isip at puso ay nakikipag-ugnayan ka sa AllahU na tila nakikita mo Siya. Sapagka’t sa tuwing ang isang mananampalataya ay tatayo upang magdasal, batid niya na ang kausap ay ang kanyang Panginoon. At ang ihsaan ay nangangahulugan ng pagsamba sa AllahU na tila nakikita at kaharap mo Siya na batid mong hindi mo Siya nakikita. Sa oras na mararanasan ng isang tao ang tamis ng pagdadasal, lalo niyang gawing mabuti ang pagsasagawa nito. Ito ay nakasalalay sa katatagan ng paniniwala ng isang tao at maraming paraan ang maaring gagawin upang makamit ito.

Sinabi ng Propeta:
“At sa mga bagay sa mundong ito, babae at pabango ay napamahal sa akin, at ang aking ganap na kasiyahan ay sa pagdadasal.”

Ayon sa salaysay sa isang hadeeth, sinabi ng Propeta: “Magpahinahon tayo, O Bilal sa pamamagitan ng pagdadasal.” Hindi niya sinabi na “Pagpahingain mo kami mula dito.”

Tunay at nararapat magsumikap na iwaksi ang mga kaisipang maaring makakasira sa ating kataimtiman sa oras ng ating pagdadasal. Ang waswas ay may iba’t-ibang epekto sa bawa’t tao, sapagka’t ang waswas ay may kaugnayan sa antas ng pag-aalinlangan at pagnanasa sa mga bagay-bagay o ang takot mula sa mga ito. [Mula Majmoo' Fataawa Shaykh al-Islam Ibn Taymiyah, 22/605]

Tungkol sa ibang uri ng waswas na pumapasok sa ating isipan sa oras ng pagdadasal na nagbibigay ng hindi angkop na paglalarawan sa AllahU. Ang mga ito ay bulong ng Shaytan, sinabi ng ALLAHO:
At kung ang masamang bulong sa iyo ni Satanas ay magtangka na ikaw ay tumalikod (O Muhammad, [sa paggawa ng kabutihan]), kung gayon, ikaw ay humanap ng pagkalinga (magpakupkop mula sa Allah) sa Allah. Katotohanang Siya ang Ganap na Nakaririnig, ang Ganap na Nakababatid. [Qur’an, 41:36]
Ang ilan sa mga Sahabah ang nagreklamo tungkol sa waswas na nanggugulo sa kanila. Isinangguni nila ito sa Propeta ng ALLAHO.
Ayon sa salaysay ni Abu Hurayrah:
“May mga dumarating sa aming kaisipan na napakasamang pag-usapan.” Sinabi niya: ‘Tunay nga bang nagkakaroon kayo ng ganoong uri ng pag-iisip?’ Sinabi nila: “Oo.” Sinabi niya: “Iyan ay isang malinaw na tanda ng pananampalataya.” [Muslim, 132]
Sinabi ni Al-Nawawi sa kanyang pagpapaliwanag sa hadeeth na ito: “Ang salita ng Propetar: Ito ay malinaw na tanda ng pananampalataya” ay nangangahulugan sa katotohanang ang kaisipang waswas na ito tulad ng masasamang bagay ay isang malinaw na tanda ng paniniwala. Sapagka’t wala kang lakas loob na ipagsabi sa iba o natatakot kang banggitin man lamang ito o kaya’y paniwalaan ito, ito ang tanda na ang isang Muslim ay nakamit ang ganap na paniniwala at malaya sa ano mang uri ng pag-aalinlangan.”

At nasabi rin na binubulungan lamang ni Shaytan ang mga taong hindi niya nagawang akitin o iligaw sa tuwid na landas. Sa mga kaafir (di-naniniwala), maari niyang iligaw sila sa anumang oras na kanyang nanaisin at hindi lamang waswas ang maari niyang gawin kundi lahat ng uri ng pang-aakit at pangligaw tungo sa kasamaan. Napag-alaman natin sa hadeeth na ito na ang sanhi ng waswas ay ang isang dalisay na pananampalataya o kaya’y ang waswas ay tanda ng isang dalisay na pananampalataya.

Katotohanan kinamumuhian mo ito at ang iyong puso ay nanliliit mula dito ay isang tanda ng paniniwala. Ang waswas ay nangyayari sa lahat na nagpapakupkop sa AllahU, binibigkas ang dhikr ng pag-aalala sa AllahU. Mahirap maiwasan, subali’t kinakailangang manatiling matatag at matiyaga, at maging matiisin sa inyong mga dhikr at pagdadasal, at huwag susuko, sapagka’t sa pamamagitan nito maiiwasan mo ang binabalak ng Shaytan

Sinabi ng ALLAHO:
Ang mga sumasampalataya ay nakikipaglaban tungo sa Kapakanan ng Allah, at sila na mga hindi sumasampalataya ay nakikipaglaban tungo sa kapakanan ng Taghut (Satanas, diyus-diyosan, atbp.). Kaya’t makipagtunggali kayo laban sa mga kapanalig ni Satanas. Tunay na laging mahina ang mga pakana ni Satanas. [Qur’an, 4:76]

Sa tuwing ang isang tao ay nagnanais bumalik sa AllahU, ang waswas ay magdadala na ibang bagay sa isipan nito. Ang Shaytan ay katulad ng isang magnanakaw: “Sa tuwing nanaisin ng isang tao ang babalik sa AllahU, nais siyang pigilin ng Shaytan.” Nang sinabi ng isang Sahabah na ang mga Hudyo at Kristiyano ay hindi nakakaranas ng waswas, sinabi niya: “Tunay na sinasabi nila ang katotohanan, sapagka’t ano pa ba ang ililigaw ng Shaytan sa mga taong lihis na sa tuwid na landas?

Mga pamamaraan upang mapaglabanan ang waswas mula sa Fatawa ni Shaykh al-Islam Ibn Taymiyah, 22/608

Kung maramdaman mong nakakaranas ka ng waswas, sabihin mo: "Aamantu Billaahi wa Rasoolihi (Naniniwala ako sa Allah at sa Kanyang Sugo)."

Sinalaysay ni Aa'ishah na sinabi ng Sugor ng AllahU:
“Ang Shaytan ay dumating sa isa sa inyo at sinabi: ‘Sino ang lumikha sa iyo? At kanyang sinabi: Allah. At sinabi ng Shaytan: ‘Sinong lumikha sa Allah?’ At kung mangyayari yan sinuman sa inyo, sabihin mong bigkasin ang: "Aamantu Billaahi wa Rasoolihi (Naniniwala ako sa Allah at sa Kanyang Sugo)." At lalayo ito sa kanya. [Ahmad, 25671; sinabing hasan ni al-Albaani sa al-Saheehah, 116)

Pagsikapan mong hindi ito mapag-isipan sa abot ng iyong makakaya, at manatiling abala sa mga bagay na nakakalimot nito.

Sa pagtatapos, aming paalalahanan kayong manatiling matatag sa pagsunod at pagsuko sa AllahU at humingi sa Kanya ng tulong, manatiling matatag sa paniniwala hanggang sa huling araw at gawin na ang kamatayan ninyo ay sa paggawa ng kabutihan at pagsunod sa kanyan lamang.


No comments:

Post a Comment

Share