AKING MGA SITES
Saturday, December 12, 2015
ANG KALINISAN SA (KAPURIHAN) AT KAYUMIAN AY NAKADARAGDAG SA KAGANDAHAN:
Narinig na ba ninyo ang kuwento ni Umm salamah (nawa'y kalugdan siya ng Allah) Ang maybahay ng propeta (ang mga pagpapala at kapayapaan ay mapasakanya), nang kanyang marinig siya (propeta) saw, na nagsabi:
"Sinuman ang kumaladkad sa kanyang damit dahilan sa pagmamataas, si Allah ay hindi titingin sa kanya sa araw ng muling pagkabuhay?
Siya (Umm Salamah) ay nagsabi, Ano ang marapat na gawin sa mga babae sa mga laylayan (o lupi) ng kanilang damit?
Siya ay tumugon, "pahabain ang mga ito sa haba ng kamay.
Siya (Umm salamah) ay nagsabi, ngunit kapag gayon, Ang kanilang mga paa ay malalantad,
Siya (propeta) saw, ay nagsabi, pahabain ang mga ito ng isang kubiko, ngunit hindi na hihigit pa rito.
Gaano kagaling na halimbawa si Umm salamah. Siya ay hindi isa sa kanila na nagpaparangalan at arogante (mapagmataas).
Ang mga babaeng muslim ay marapat na mayumi at malinis sa kapurihan, dalisay at marangal . Ang kanilang mga paa ay hindi marapat na malantad at ang kanilang kasuutan ay dapat na may mahahabang laylayan na sumasayad sa likuran nila sa lupa upang ang kalalakihan ay hindi makamasid ng anuman sa kanila.
Ngunit ang kababaihan sa ngayon, maliban sa kanila na binigyan ng habag ng Allah, ay nagtataas ng laylayan ng kanilang damit nang sagad sa kanilang magagawa, dahil sa pangamba na ito ay mababasa o marurumihan.
At bilang panggagaya sa mga hindi nanampalatayang kababaihan na halos hubad na ang hitsura.
Sila ay gumagawa ng libo libong mga dahilan sa gayong kaanyuan na halos ay hubad na at sa pagkilos sa imoral na pamamaraan.
Wala ng iba pang lakas o kapangyarihan maliban sa Allah.
Ang kanilang mga kalalakihan ay mga lalaki lamang sa pangalan, na naglalakad na katabi na hindi nag-iintindi tungkol sa pagkawala ng kayumian
(O kapayakan)....
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment